Tuesday, July 12, 2011

Para sa May Humahadlang

Ano nga ba ang kinakatakutan?
Ang masaktan, malinlang, mapagsamantalahan?

Alalahanin mong ang puso'y matatag
Ang makapanghihina nito ay ang pagiging duwag

Paminsan-minsa'y kailangang tumalon
Upang masagot ang mga tanong

Sa lakas ng loob  nakasalalay
Ang pagkalawak o pagkakitid ng ating buhay




No comments: